SEO page title SEO description SEO keywords

Tilbake til artiklene

Ang matagal na pananabik

Natural na hindi madali ang maging malayo sa kanyang anak, ngunit pinipili ni nurse Carmelle na maging positibo at mapagpasalamat sa mga oportunidad na mayroon siya sa Norway.

Isang trained nurse si Carmelle Joy Taal Mendoza (24) sa kanyang pinagmulang bansa, ang Pilipinas. May asawa siya at may 2-taong gulang na anak. Halos kalahating taon na ang nakakaraan, pinili ni Carmelle na pumunta sa Norway upang magtrabaho at mag-aral dahil mahirap makahanap ng permanenteng trabaho sa kanyang sariling bansa. Lubos siyang nangungulila sa kanyang pamilya, lalo na syempre sa kanyang anak na lalaking si Juan Angelo. Madaling isipin kung gaano kahirap para sa isang bagong ina na iwanan ang kanyang anak, ngunit may malinaw na ambisyon at layunin si Carmelle. Part-time siyang nagtatrabaho bilang isang healthcare professional sa Norwegian nursing homes, kabilang ang Hovseterhjemmet (ang Hovseter Home), at kumukuha ng mga kurso sa wika. Matalino si Carmelle dahil humusay na siya sa pagsasalita ng Norwegian nang wala pang isang taon. Dati na siyang naging dalubhasa sa Ingles lalo na sa pagsusulat. Kapag natapos na ang mga kurso sa wika, kukumpletuhin din ni Carmelle ang Norwegian nursing education.

«Mula ako sa probinsya ng Ilocos Sur sa hilaga ng Pilipinas. Magsasaka ang aking ama at nangangasiwa ng sakahan kasama ang iba pang mga magsasaka, habang nagtatrabaho rin bilang empleyado ng estado. Isang guro sa primary school ang aking ina at tinutulungan ng mga magulang ko ang aking asawang si Juan Paolo na alagaan ang aking anak habang ako ay nasa Norway. Kailangan kong tapusin ang aking pag-aaral at maghanap ng trabaho rito, at kalaunan ay dalhin dito ang aking asawa't anak.»

ISANG MAHALAGANG MAPAGKUKUNAN PARA SA NORWAY

Carmelle er litt sjenert, og trives best i selskap med noen få venner. Hun er ikke så glad i store sammenkomster. Men hun er snill og vennlig, og tar godt imot MyCalls utsendte skribent og fotograf når vi besøker henne på Hovseterhjemmet. Marianne Grønseth er sjefen til Carmelle. Hun forteller oss at den filippinske jenta er flittig og pliktoppfyllende og behandler alle rundt seg med varme og respekt.

På Hovseterhjemmet i Oslo jobber Carmelle flittig.
På Hovseterhjemmet i Oslo jobber Carmelle flittig, og behandler alle rundt seg med respekt.

Carmelle na nagkaroon siya ng problema sa wika nang sinimulan niya ang kanyang trabaho at nahirapan sa pag-unawa at pagtugon sa mga pangangailangan ng pasyente. Ngunit unti-unting itong humusay. Kailangan ng Norway ng higit pang mga healthcare professional, at ang mga taong tulad ni Carmelle ay magandang karagdagan sa aming lipunan.

«Sinisikap kong maging mas palakaibigan at may kumpiyansa», sabi ni Carmelle..

- Foreldrene mine jobbet hardt og var veldig opptatte, og de fire eldre brødrene mine holdt jo på med sine egne greier.

«Medyo mahiyain din ako noong bata ako. Naalala kong kinukuha ko dati ang bisikleta sa aking ama at naging matalik kong kaibigan iyon. Kinailangang magtrabaho nang husto ng aking mga magulang at napakaabala nila, at mas matanda sa akin ang mga kapatid kong lalaki at may sarili silang ginagawa. Wala akong regular na mga kaibigan sa lugar kung saan ako lumaki, kaya namasyal ako araw-araw sakay ng aking bisikleta. Isang araw, nahulog ako sa isang kanal at tinamaan ko ang aking sarili nang sobra, ngunit hindi ako nangahas sabihin ito sa aking mga magulang. Ngunit sinabi ito ng mga kapitbahay namin, at pareho akong pinagalitan dahil sa kawalan ng ingat, at sa hindi pagsabi sa kanila tungkol sa aksidente pagkatapos, hee hee.»

Nagsimulang magkaroon ng interes si Carmelle sa mga sasakyan dahil sa bisikletang ito. 9-10 taong gulang pa lamang siya nang tinuruan siya ng kanyang mga kapatid na lalaki na magmaneho ng moped.

«Sana ay magkaroon ako ng pagkakataong makuha ang aking driver's license para sa kotse sa oras na maging maayos na ako sa Norway dahil gusto kong magmaneho!»

SA MGA YAPAK NG KANYANG KAPATID

Si Carmelle ang bunso sa limang magkakapatid. Nakatira sa Pilipinas ang tatlo sa kanyang mga pinakamatatandang kuya, kung saan mayroon silang permanenteng trabaho at maayos ang pamumuhay. Ang ikaapat na si Christopher, ay isang healthcare worker at nanirahan at nagtrabaho na sa Norway sa loob ng ilang taon.

«Nakatira sa Rælingen si Christopher kasama ang kanyang asawa, at siya ang naghikayat sa akin na pumunta sa Norway upang maghanap ng trabaho rito. Marami siyang naitulong sa akin, at siya ang aking inspirasyon sa pagpili ko ng karera.»

Sa katunayan, pinangarap ni Carmelle na maging isang litratista o isang mamamahayag, ngunit para sa dahilan ng pagiging praktikal, pinili niyang maging isang nurse, dahil nagbigay ito ng oportunidad na mag-apply ng trabaho sa ibang bansa kung hindi siya makakuha ng magandang trabaho sa kanyang sariling bansa. Hindi madaling makahanap ng trabahong nagbibigay ng pinansiyal na seguridad sa Pilipinas, at marami sa mga nurse ang dapat magtrabaho nang libre nang ilang panahon para makakuha lamang ng karanasan sa trabaho at kalaunan ay makakuha ng trabahong nagpapasuweldo. Nang magkaroon ng anak si Carmelle, nalaman niyang kailangan niyang sundan ang kanyang kapatid sa Norway upang mahanap ang tagumpay sa merkado ng pagtatrabaho rito.

- Madalas akong tumatawag sa amin hangga't kaya ko at isa akong masugid na customer ng MyCall! Hee hee.

«Gusto kong magtrabaho nang mabuti at mag-aral nang masigasig upang maalagaan ko ang aking anak. Lubos akong nangungulila sa kanya - kinailangan kong umalis noong siya'y isa't kalahating taon pa lamang. Hindi alam ng anak ko kung gaano kalayo ang Norway sa Pilipinas, at para sa kanya, hindi niya maunawaan kung bakit hindi makauwi si mummy. Magastos ang magbiyahe, ngunit umaasa akong darating ang panahong kaya ko itong gastusan. Wala ako masyadong kita at magastos ang mamuhay sa Norway. Sinisikap ko ring magtipid upang makapagpadala ako ng pera sa amin.»

«Madalas akong tumatawag sa amin hangga't kaya ko at isa akong masugid na customer ng MyCall! Hee hee. Sa Pilipinas, maaasahan ang internet tulad ng sa Norway - medyo nakakainis kapag napuputol ang linya kapag nakikipag-video chat ako sa aking asawa. Kaya, kailangan ko ng subscription na unang-una ay abot-kaya para sa pagtawag sa ibang bansa, ngunit mayroon ding magagandang data package. Bukod dito, madalas kong ginagamit ang social media upang makipag-usap sa aking pamilya, mga kaibigan, kakilala, na tumutulong nang kaunti sa pagpawi ng pangungulila.»

Carmelle jobber deltid som helsefagarbeider på norske sykehjem.
Carmelle jobber deltid som helsefagarbeider på norske sykehjem mens hun studerer og tar språkkurs.

«INAMPONG PAMILYA»

Puro trabaho at pag-aaral ang buhay sa Norway, at hanggang sa ngayon, wala masyadong oras para makapaglibot at makilala nang maayos ang bansa. Isa ring tahimik na babae si Carmelle na naibibigay ang kanyang pinakamahusay sa tahanan at hindi naglalaan ng oras at pera sa nightlife sa kabisera. Ngunit gusto niya ang tumitingin-tingin sa paligid ng lungsod kapag maganda ang panahon at kapag may libre siyang oras. Naninirahan si Carmelle sa isang collective sa Grorud at kasama sa iisang bahay ang 5-6 pang mga Pilipinong kagaya niya rin ang sitwasyon. Nandito sila upang magtrabaho, mag-aral at magsikap na lumikha ng magandang pamumuhay.

«Para na rin kaming isang pamilya. Malapit kami sa isa't isa, lalo na sa damdamin. Hinihikayat at tinutulungan namin ang bawat isa na matuto ng Norwegian; ngunit ang pagkakaroon ng mga kaibigan mula sa Pilipinas ay mahusay ding "gamot" para sa pangungulila. Ako ay lalong malapit kay Cristina. Wala akong biolohikal na kapatid na babae, ngunit nararamdaman kong parang tunay na kapatid na babae sa akin si Cristina. Isa ring mabuting kaibigan si Guian; lagi niya akong sinusuportahan. Kaming tatlo ay may pare-parehong katangian sa pag-uugali. Medyo mahiyain kami at mas mahusay kami sa mga tao na kumportable kami.»

Isang taon ang itatagal ng student visa ni Carmelle, at sa oras na iyon, kailangan niyang ipasa ang mga kailangang kurso at pag-aaral sa Norwegian upang magamit sa Norway ang kanyang natutunan sa nursing at sa gayon ay makakuha ng permanenteng trabaho.

Livet i Norge dreier seg mye om jobb og studier.
Livet i Norge dreier seg mye om jobb og studier, men heldigvis også litt caféliv, shopping og matlaging med vennene i bofellesskapet på Grorud.

«Kung hindi ko ito magagawa, mag-aapply kung gayon upang mapahaba ang aking student visa. Sa kasalukuyan, maaari lamang akong magtrabaho ng 20 oras kada linggo, upang marami ang oras ko sa pag-aaral.»

- Lagi kong iniisip ang aking anak - mayroon akong larawan niya sa lamesang katabi ng kama, binibigyan ako nito ng maraming lakas.

Tulad ng ibang mga babae, gusto ni Carmelle ang mag-shopping. Kung may mga naka-sale na maganda ang presyo, tumitingin siya ng para sa kanyang sarili o di kaya'y regalo para sa kanyang anak.

«Minsan ay umuupo na lamang din ako sa isang café at binibilhan ko ang sarili ko ng kape at nagsasaya sa buhay. Isa pang bagay na gusto ko ay ang pagluluto. Sa bahay sa collective, nagluluto kami ng maraming pagkaing Pilipino. Ang paborito kong ulam ay Pinakbet. Isa itong tradisyunal na ulam na marami ang gulay at kasama ang ilang karneng ginisa sa patis, at hinahain ito nang may kanin.»

NAKAKAHANAP NG LAKAS SA KANYANG ANAK

Sa kabila ng pangungulila ni Carmelle sa kanyang pamilya at bansang pinagmulan, nagkaroon siya ng magandang impresyon sa Norway sa ngayon. Ngunit mahalaga ang mabilis na pag-adjust dahil sa kabilang banda, may mga pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng dalawang bansa.

Carmelle omfavner hvert sekund med familien.
Carmelle omfavner hvert sekund med familien, og synes det er det viktigste i livet.

«Isang malinis na bansa at may malasakit sa kapaligiran ang Norway; napakapayapa rito. Hinahangaan ko ang disiplina ng mga Norwegiano pagdating sa pag-aayos; malaki ang kamalayan nila pagdating sa pag-aalaga sa kalikasan. Napaka-maagap at wasto ng lahat ng bagay dito. May eksaktong oras ang mga bus at tren, at nagkikita ang mga tao sa mismong oras ng pagkikita. Sa Pilipinas, mayroon kaming tinatawag na "Filipino time", na ibig sabihin ay naantala ang lahat ng bagay at lampas sa oras kung dumating ang mga tao, ngunit hindi pupuwede ang mga iyan dito sa Norway.»

Pinapangarap ni Carmelle na muli niyang makasama ang kanyang pamilya sa lalong madaling panahon, at nauunawaan niyang dapat siyang maging responsable at masipag upang makuha ang kanyang anak at asawa, at pati ang mga magulang nila, sa Norway.

«Hindi ko alam kung ano ang praktikal at kung gaano kabilis mangyari ang mga bagay, ngunit nangangako akong gagawin ko ang lahat. Lagi kong iniisip ang aking anak - mayroon akong larawan niya sa lamesang katabi ng kama, binibigyan ako nito ng maraming lakas.»

Har du en historie å dele med oss?

Kontakt oss her

Trenger du hjelp?

Chat med oss

Man - fre: 08-18
Lørdag: 10-15:30 Søndag: Stengt

Ring 06160

Man - fre: 08-19
Lørdag: 10-15:30

Ringer du fra utlandet?
+47 967 06 160


Ordinære takster gjelder: se priser her

Send e-post

Få svar innen 48 timer

Besøk oss i
MyCall Shop

Brugata 1, Oslo
Man - Lør: 10-18

Eller en av våre 5500 utsalgsteder

Lukk Meny Lukk Min Side Lukk Søk Meny