SEO page title SEO description SEO keywords

Tilbake til artiklene

Isang sayaw ang buhay

Ang Pilipino na si Jens Trinidad ay isa sa pinakamahuhusay na dancer ng Street Dance sa Norway. Sa pamamagitan ng pisikal na paggalaw, sa tingin niya, malaya niyang naipapahayag ang kanyang sarili.

Si Jens ay ipinanganak sa Oslo noong 1987 at lumaki sa Hovseter, na nasa hilagang-kanluran ng lungsod. Ang mga magulang niya ay mula sa Pilipinas at pumunta sa Norway para magtrabaho. Mayroon siyang dalawang ate, isang kuya, at siya ang bunso sa magkakapatid. Nagmula si Jens sa isang pamilyang mahilig sa musika.

Det som startet som en hobby
Det som startet som en hobby, skulle vise seg å bli en suksessfull og begivenhetsrik karriere. I dag er Jens profesjonell danser, koreograf og pedagog innen Street Dance.

«Lumaki akong palaging may musika sa bahay. Dating tumutugtog sa mga banda ang tatay ko, at ang mga ate ko naman ay palaging abala sa kanilang musika sa bakante nilang oras. Kapag nakatutok sila sa MTV, sinasabayan ko sila. Mga music video ng MTV ang pinakamagandang bagay para sa mga kabataang mahilig sa musika noong dekada 80. Pinakinggan ko ang mga pinapakinggan ng mga ate ko kahit mas bata ako sa kanila nang kaunti. Maraming genre, may hip-hop, soul, RnB, at pop na musika.»

MAY NAGBUKAS NA BAGONG MUNDO

Sa simula, nakita ni Jens ang kanyang sarili bilang isang maliit na ‘bola ng enerhiya’ sa pamilya. Noon pa man ay maganda na ang kanyang kontrol sa katawan at naaaliw siya sa pagsasayaw. Ang ilan sa mga alaala niya noong bata siya ay ang pagsasayaw sa sala habang pinapanood at pinapalakpakan siya ng iba.

«Mayroon pang usapan sa pamilya kung kanino ko namana ang husay sa pagsasayaw, dahil wala naman sa mga magulang ko ang talagang magaling sumayaw. Sa totoo lang, wala talaga sa pamilya namin, dagdag pa ni Jens habang natatawa.»

Labing-isang taong gulang pa lang si Jens noong pumasok siya sa dance class. Ang isa sa mga ate niya ay may boyfriend noon na mahilig sumayaw, at sa kanya nakuha ni Jens ang inspirasyon para simulang pag-aralan ito.

«Talagang hinahangaan ko siya. Siya ang nagdala sa akin sa klase, at sa maraming paraan, ‘nagbukas’ siya ng bagong mundo sa akin. Doon ako nakakilala ng iba pang kabataang tulad ko ay interesado sa sayaw at musika. Nagkaroon ako ng maraming mahusay na guro, at hindi nagtagal mula roon, sineryoso ko ang pagsasayaw at nagpasya akong ito ang gusto kong gawin.»

- Det har alltid vært en diskusjon i familien om hvem jeg har arvet dansingen fra, for ingen av foreldrene mine er særlig flinke til å danse.

Si Jens ang nakatuklas ng pinakamahalagang bahagi ng kanyang pagsasayaw, kaya nagkaroon siya ng natatanging expression bilang isang dancer. Ang isang bagay na nagsimula bilang libangan ay naging isang matagumpay at nakakasabik na karera. Noong tumungtong siya sa kanyang late twenties, saka lang siya nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng karera sa pagsasayaw. Ngayon, isa na siyang propesyonal na dancer, choreographer, at instructor sa larangan ng Street Dance. Naging bahagi na si Jens ng malalaking pagtatanghal, marami na siyang nakatrabahong talentadong tao sa pagsasayaw at performing arts, at nakatrabaho na rin niya ang mga maimpluwensyang artist tulad nina Madcon, Samsaya, Ylvis at Adelén. Karangalan din para kay Jens na maging ambassador para sa internasyonal na Dansen Dager noong 2015, isang festival na inilalarawan bilang pinagsama-samang selebrasyon para sa mga dancer sa lahat ng antas at sa lahat ng genre. Isang malaking karangalan ang mapili bilang Ambassador para sa Dansen Dager dahil kaunti lang sa pinakamahuhusay na dancer ng Norway ang nakakatanggap ng pagkilalang ito.

Det er fascinerende å se
Det er fascinerende å se hvordan Jens gjennom kreativ instruksjon klarer å smitte energien og dansegleden sin over på elevene.

INSPIRASYON MULA SA IBA’T IBANG KULTURA

Nanay ni Jens ang unang pumunta sa Norway. Natanggap siya bilang nurse sa Sørrreisa, na matatagpuan sa Hilagang Norway. Halos kasabay noon, natanggap ang tatay niya sa trabaho sa Saudi Arabia, at hindi niya ito pinalampas. Ang mga ate ni Jens ay ipinanganak sa Pilipinas at sandaling nakitira sa mga kamag-anak. Pero may plano ang mga magulang nila. Isang taon lang pagkalipas nito, nagkasama-sama na ang pamilya sa Norway. Sa Norway na ipinanganak si Jens at ang kanyang kuya. Maayos na nakapamuhay doon ang pamilya. Habang lumalaki sa Hovseter, may kapitbahay silang isa pang pamilyang Pilipino, na naging malalapit nilang kaibigan.

«Itinuring ko nang kapamilya ang kapitbahay naming pamilya. Halos kasing edad namin ng kuya ko ang mga anak nilang lalaki, kaya naging magkakalaro kami. Buong araw na bukas ang mga pinto para sa aming dalawang tahanan, kaya nagtatakbuhan kami mula sa isang apartment papunta sa isa pa. Halos pakiramdam namin, magkakonekta ang dalawang bahay. Lumaki ako nang masaya sa ligtas na lugar, ayon kay Jens.»

- Jeg har venner og kolleger med forskjellige bakgrunner og av ulike nasjonaliteter. Dans er grenseløs. Å utfolde seg fysisk er et fellesspråk.

«Ang Hovseter ay madalas na tawaging western edge's eastern edge dahil sa kapaligiran nitong binubuo ng maraming kultura. Naging angkop sa aking lumaki roon dahil mahilig akong makisalamuha sa mga tao mula sa maraming bansa. Lalo na sa middle school, ang klase namin ay binubuo ng maraming ethnic background. Naging bentahe sa pinili kong propesyon ang background na ito. Mayroon akong mga kaibigan at katrabahong mula sa iba’t ibang background at iba’t ibang bansa. Walang limitasyon ang pagsasayaw. Isang pangkalahatang wika ang pisikal na pag-eehersisyo.»

«Mahalaga sa akin ang pakiramdam ng kalayaan sa pagsasayaw, ito ang dahilan kung bakit ako nagsimula sa Street Dance noon pa man. Nagsimula ako sa hip-hop, at pagkatapos ay unti-unti kong sinanay ang sarili ko sa house-dance. Pagkatapos ng high school, sineryoso ko na ang pagsasayaw at medyo lumabas ng Norway para makakuha ng inspirasyon at makaranas ng mga kultura sa pagsasayaw sa ibang lugar. Nitong mga nakalipas na taon, mas naging interesado ako sa performing arts at contemporary dance. Kaya ngayon, nagsasanay ako sa kultura ng pagsayaw na nasa pagitan ng contemporary dance at hip-hop.»

«PUWEDENG MAGING MAHUSAY NA DANCER ANG LAHAT»

Sa ngayon ay mayroong girlfriend na Norwegian si Jens, na matagal na rin niyang kilala. Tatlong taon na silang nagsasama at mayroon na silang anak na babae. Inilalarawan ni Jens ang kanyang sarili bilang mapagmahal na haligi ng tahanan na inuuna ang pamilya sa listahan ng mga priyoridad, bagama’t kung minsan ay marami siyang ginagawa sa trabaho at kailangan niyang magbiyahe nang kaunti. Bilang isang propesyonal na dancer, choreographer, at instructor sa antas ni Jens, hindi nawawala ang mga oportunidad na magtrabaho sa ibang bansa, kung mayroon kang mga ambisyon. Kayang tumanggap ni Jens ng ilang partikular na assignment, pero sa ngayon ay hindi praktikal para sa pamilya na lumipat sa ibang bansa. Malapit sa kanilang dalawa ng kanyang girlfriend ang Oslo, at nakikita nilang malaking bentahe na may mga lolo, lola, tiya, at tiyo sa malapit ang kanilang anak.

Nagkaroon ng pagkakataon ang MyCall na sundan si Jens sa Oslo Academy of the Arts kung saan siya nagtuturo ng dance class. Talagang nakakamanghang makita kung paano niya nagagawang ilipat ang kanyang enerhiya at pagmamahal para sa pagsasayaw sa mga mag-aaral, sa pamamagitan ng malikhaing pagtuturo.

Vi fikk følge Jens
Vi fikk følge Jens da han underviste en danseklasse på Kunsthøgskolen i Oslo.

«Sa palagay ko, ang kakayahang sumayaw at gumalaw ay medyo nakakundisyon sa kultura at background, at nakikita natin ito sa ilang bansa, madali sa mga taong sumayaw at umunlad sa pisikal na paraan. Pero ang talento at kultural na background ay bahagi lang nito. Nakasalalay rin ito sa kung ano ang aktwal mong gagawin sa talento. Kung mayroon kang matinding pagmamahal para sa musika at pag-indayog, at gusto mong maging mahusay sa pagsayaw, ibig sabihin ay magagawa ng lahat na maging mahusay na dancer. Kahit sa sarili lang nilang paraan. »

Har du en historie å dele med oss?

Kontakt oss her

Trenger du hjelp?

Chat med oss

Man - fre: 08-18
Lørdag: 10-15:30 Søndag: Stengt

Ring 06160

Man - fre: 08-19
Lørdag: 10-15:30

Ringer du fra utlandet?
+47 967 06 160


Ordinære takster gjelder: se priser her

Send e-post

Få svar innen 48 timer

Besøk oss i
MyCall Shop

Brugata 1, Oslo
Man - Lør: 10-18

Eller en av våre 5500 utsalgsteder

Lukk Meny Lukk Min Side Lukk Søk Meny