SEO page title SEO description SEO keywords

Tilbake til artiklene

Napakatalino sa musika at masigla

Madalas na mga gig sa isa sa pinakasikat na mga nightspot o umiikot na rekord ng mga kasalanan sa Olso: Bilang isang DJ, ang Norwegian-Filipino na si Jasper Mesina De Claro ay may positibong pamamaraan sa lahat ng mga hamon.

Jasper med kjæresten Kine på Cafe Sara
Jasper med kjæresten Kine på Cafe Sara.

Si Jasper ay isinilang sa Norway. Lumaki siya sa Teisen, Oslo, at naninirahan sa Lungsod. Nasisiyahan rin siyang mamasyal sa Marka (ang magubat na mga lugar sa paligid ng Oslo) kasama ang kanyang kasintahan na si Kine, paliwanag niya habang nakaupo sa Cafe Sarah sa Torggata, habang umiinom ng Coca Cola noong Linggo ng hapon.

Mukha siyang naging masigla, lalo na’t siya ang DJ nang gabi bago ang Angst Bar – isa sa pinakapinupuntahang nighspot sa kapitolyo.

«- Kailangan mong maging masigla at masaya kapag nagtatanghal para sa mga taong lumalabas para magsaya at matuwa. Kaya mag-iinom ako nang kaunti sa buong gabing iyon sa likod ng DJ booth. Pero titiyakin kong hindi ako magpapakalasing. Mahalaga ang magkaroon ng kontrol. Nagkaroon ako ng mga pagkakamali sa nakaraan at natuto sa paglipas ng panahon, ang wika ni Jasper at tumawa.

LUMAKI SA ISANG KOMUNIDAD NG FILIPINO

Siya ang uri ng tao na nagdadala ng enerhiya at magandang suwerte, habang mapagpakumbaba, palakaibigan at madaling kausap. Madaldal at mapagpatawa. Maginoo at mahilig tumitig. Mabuting tao, simpleng magsalita.

Jasper vokste opp i filippinsk miljø
Jasper vokste opp i filippinsk miljø og har lært seg norsk språk og væremåte samtidig som han har tatt godt vare på eget språk og kultur.

«Lagi akong masigla. Nakatanggap ako ng maraming babala sa paaralan dahil sa paggambala sa klase. Hindi dahil gumawa ako ng anumang bagay na malubha, kundi dahil hindi ako mapakali at laging pagala-gala. Madaldal ako at laging mabilis, paliwanag ni Jasper nang may malaking ngiti.

Unang dumating ang ina ni Jasper sa Norway noong mga huling taon ng 1970 para magtrabaho, at unang nanirahan sa Tromsø. Pagkaraan ng ilang taon, lumipat siya sa Førde at pagkatapos ay dinala niya ang kanyang asawa – ang ama ni Jasper – sa Norway. Pagkaraan ng ilang taon, lumipat ang pamilya sa Oslo, at noong 1988, isinilang si Jasper. Sa ibang salita, siya ay pangalawang henerasyong imigrante, at mayroon siyang kapatid na babae at lalaki.

- Jeg føler meg minst like filippinsk som norsk. Det er en sterk identitet der, med skikker og tradisjoner og tankemåte, som aldri forsvinner for min del.

«Pumasok ako sa Paaralan ng St. Sunniva, at marami akong kaibigan na kapareho ko ng pinagmulan. Na mga Norwegian-Filipino na Isinilang sa Norway o dumating sa murang edad. Sa aking baitang lamang, walo sa amin ay mula sa Pilipinas. Ang Komunidad ng Pilipino sa Oslo ay magkakalapit nang panahong iyon. Halos lahat ay nakakakilala sa akin.»

«Sa St. Sunniva at ang mga kaibigan ko dati na mga Filipino, maraming mga pagkakataon na kailangang ayusin. Natutunan namin ang wikang Norwegian at ang mga pamamaraan subalit gusto rin naming panatilihin ang aming wika at kulturang Filipino. May komunikasyon pa rin kami ng aking mga kaibigan noong bata.»

«Sa paglipas ng panahon, ang dumaraming bilang ng mga Filipino ay dumating sa Norway, at sa tingin ko ay nakadarama ang mga tao ng pagkakaisa at pagtanggap kapag nakikilala sila, subalit hindi ko kilala ang “lahat” sa paraan na kagaya noon, dahil ang komunidad ay naging napakalaki na. »

MATIBAY NA PAGKAKAKILANLAN

Likas na nakapagsasalita si Jasper ng Norwegian, Gayunpaman, ang tunay na kahanga-hanga ay mahusay rin siyang nakapagsasalita ng Filipino. Malaki ang naitulong ng kanyang mga magulang at komunidad ng Filipino pagdating dito, dahil madali para sa mga imigranteng pangalawang henerasyon na maiwala ang kanilang katutubong wika.

«Nagsasalita ako nang hindi hihigit kumulang sa perpektong Filipino, oo. At ito ang bagay na dahilan kung bakit ako masaya. Pero kapag nasa Pilipinas ako upang bisitahin ang mga kamag-anak, marahil ay naririnig ng mga tao na ang pagsasalita ko ng Filipino ay hindi perpekto, he he. »

«Pero kahit paano ay nadarama ko na ako ay Filipino bilang Norwegian. May matibay na pagkakakilanlan doon, sa mga kustombre at tradisyon at mga pamamaraan ng pag-iisip na hindi kailanman mawawala sa aking parte.»

«Maraming bagay na nagtutulak sa akin patungo sa Pilipinas, subalit ang pagkain marahil ang pinakamatibay na factor, ha ha. Napakalakas ng pagkaing Filipino.»

Dahil sa kanyang mahusay na network kung kaya’t nakapasok siya sa industriya at sinubukan ang kanyang suwerte bilang isang DJ.
Dahil sa kanyang mahusay na network kung kaya’t nakapasok siya sa industriya at sinubukan ang kanyang suwerte bilang isang DJ.

Si Jasper ay may mga kamag-anak sa Pilipinas at nanggaling na roon nang maraming beses. Karamihan sa kanyang mga kontak sa lupang tinubuan ay sa pamamagitan ng kanyang mga magulang. Tumatawag ang kanyang ina mga dalawang beses sa isang linggo. Pero nakapagbakasyon na rin si Jasper mag-isa, at tinitiyak niya na dumadaan siya para bumisita.

«Maraming magagandang lugar at kapana-panabik na mga bagay ang mararanasan dito. Gayundin, marami ring bagay na maaalala kung paano kami kapalad na manirahan sa Norway. Ang mga buhawi at pagkasira, kawalan ng tahanan, kahirapan at mga batang lansangan. Masakit na makita, at madalas itong magpapaalala sa iyo.»

IMPLUWENSIYA NG MUSIKA MULA SA KANYANG KUYA

Mula sa pagkabata, pinakakinahiligan na ni Jasper ang musika, o Jas bilang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya. Nagsimula siyang tumugtog ng piyano noong edad anim. Kahit na gustong-gusto niya ang basketbol at soccer, pinaka naging mas importante ang musika. Partikular na interesado siya sa ritmo. Madalas siyang naglilibot upang magtambol ng iba’t ibang mga bagay na may beat sa isip niya, at ito ang hlig na ipinagpatuloy rin niya sa kanyang kabataan.

«Nagkaroon ako ng maraming impluwensiya at inspirasyon sa musika mula sa aking kuya, at karamihan sa musikang nagustuhan ko ay mula sa kanya. At ito ang karamihang musika na dala-dala ko. Karamihan sa mga musikang aking tinutugtog bilang DJ ay musika mula aking paglaki. Mga lumang R&B tulad nina Bobby Brown, Janet Jackson at marami pang iba. Ay lalo na ang hip hop muna nang panahong iyon. Isinasama ko rin ang mga bagong musika, pero para sa akin hindi ito katulad ng mga lumang musika.»

Dahil sa kanyang mahusay na network kung kaya’t nakapasok siya sa industriya at sinubukan ang kanyang suwerte bilang isang DJ.

Impulser og musikalske inspirasjoner fra storebroren
Jeg fikk mye impulser og musikalske inspirasjoner fra storebroren min, og veldig mye av den musikken jeg digget, kom gjennom han.

«Batid ng matalik kong kaibigan na si Mike, isang litratista at maraming kilalang tao sa mga komunidad ng musika ang hilig ko sa pagtugtog ng musika, nasisiyahan sa paghahalu-halo ng mga tracks at maggawa ng sariling musika. Siya rin ang dahilan kung bakit ko nakilala ang pinakatanyag sa Norway na rapper ngayon na si Arif. Itinulak at ginanyak ako ni Arif at ipinakilala ako sa mga taong kakilala niya Pinanood ko ang ibang mga DJ, pinag-aralan kung paano nila ginagawa ang mga bagay-bagay at inalam ang paggamit ng mga kagamitan ko. Sa paglipas ng panahon, nagkatrabaho ako kung saan-saan.»

- Utover kvelden kom det masse requests fra gjestene [...]. Heldigvis hadde jeg wifi og kunne laste ned ting fortløpende, folk hadde det helt supert.

«Ang trabaho ng Angst Bar ay isang bagay na dapat pagsikapan, kahit na kilala ko na ang may-ari na si Misgina. Pakiramdam niya noong una ay hindi angkop ang katangian ng musika sa kanyang bar ang aking ginagawa. Pero pagkatapos ng set na ginawa ko sa Internasjonalen, isang gabi nang alam kong naroon din si Misgina, binigyan niya ng pagkakataon ang Angst. Wala ako kung nasaan ako ngayon kung hindi dahil sa Internasjonalen at Angst.»

KASALANG BALNGLA

bukod sa mga hip spot at mataas na antas ng kasiyahan; hindi rin tutol si Jasper sa pagtanggap ng lahat ng uri ng trabaho, basta’t sa tingin nyia ay masaya ang mga iyon. Walang problema sa mga kasalan at iba pang mga event. At hindi rin siya masyadong nag-aalala tungkol marahil sa pagbaba sa kanyang sariling gustong musika sa ilang mga pagkakataon. Pinaka-interesado si Jasper sa pangkalahatang karanasan sa trabahong iniaalok sa kanya.

«Ang pinakamasayang gig ng kasalanan na ginawa ko ay ang malaking Indianong kasalan. Ang iyong araw ng kasal marahil ay ang pinakamahalagang araw ng iyong buhay, at nauunawaan ko na ayaw ng mga tao na magka-aberya, tulad ng DJ na tumutugtog ng musika na ayaw mawala ang mga panauhin. Kaya tinanong ko sila kung anong gusto nilang tugtugin ko, pero sinabi ng babae at lalaking ikakasal na “Jas, sige lang, tugtugin mo ang gusto mo”. Kaya nagsimula ako sa aking set at sa buong gabi ay maraming kahilingan mula sa mga panauhin ng musikang Bangla, at naging masaya iyon. Sa kabutihang palad, may Wi-Fi ako na maaaring magdownload ng ilang mga bagay, at ang lahat ay natuwa. Dahil sa nakita kong tugon at tuwa kaya ko ginagawa ito.»

Kakaunti lamang sa mga taga-Norway ang nabubuhay nang dahil lamang sa pagtratrabaho bilang DJ, at para kay Jasper, ito ang trabaho na bilang tagapangasiwa ng departamento sa shop ng YME sa Paleet, ito na ang kanyang pangunahing pinagkakakitaan.

«Sa katunayan ay kaya kong balansehin ang aking trabaho sa umaga at trabaho sa gabi nang napakahusay, wika niya.

«Dati ay may mga gig ako sa gabi at umuuwi ng hating gabi sa bahay, para lamang gumising sa susunod na araw at magtungo sa trabaho. Mahirap gumising, pero maaari itong pagsamahin kung mayroon kang kontrol, at sa tingin ko ay kapaki-pakinabang ito.»

«Ang mga trabahong DJ ay magandang karagdagang pagkakakitaan, pero tiyak na pangarap ding pagkakitaan ito para mabuhay.»

Har du en historie å dele med oss?

Kontakt oss her

Trenger du hjelp?

Chat med oss

Man - fre: 08-18
Lørdag: 10-15:30 Søndag: Stengt

Ring 06160

Man - fre: 08-19
Lørdag: 10-15:30

Ringer du fra utlandet?
+47 967 06 160


Ordinære takster gjelder: se priser her

Send e-post

Få svar innen 48 timer

Besøk oss i
MyCall Shop

Brugata 1, Oslo
Man - Lør: 10-18

Eller en av våre 5500 utsalgsteder

Lukk Meny Lukk Min Side Lukk Søk Meny